Martes, Nobyembre 15, 2011

Undying Admiration



Undying Admiration
True Story
Alphonse “Ponsy” Mendiola III
Chapter 1 – Ang Muling Pagkikita Part 2
                                           
                        At pumunta na ako ng kusina. Habang naglalakad ako at tinutumbok ang kusina, nagulat at namangha ako sa nakita kong nakatalikod na lalaki…

                        Ito na ba sya? Itong lalaking nakatalikod sa akin ay walang iba kundi and Ram na aking kakumpitensya simula pagkabata? Nakakapagtaka, hindi naman ganito dati ang itsura nito. Sa pagkakatanda ko eh, ang Ram na kilala ko ay maitim, may buhok na may hati sa gitna, patpatin at higit sa lahat ay hikain. Ngunit ang lalaking nasa aking harapan at nakatalikod sa akin ay matangkad around 5’ 9” in height sa tingin ko (5’6” lang ako); sunod sa uso na haircut (laging semi-kalbo ang gupit ko, tamad kasi akong magstyle ng buhok); broad shoulder, nakasuot sya ng red sando (samantalang ako wala man lang ata kapag-asa-asa na magkaroon ng ganung balikat, kahit magwork-out pa ako); and a superman printed boxer short which nagpakita ng kanyang legs na merong mga pinong tubo ng buhok (ako kasi e makapal talaga parang unggoy na). At wala man lang sa hinagap ko na ang lalaking nakatalikod at ang Ram na kilala ko ay iisa. Wala namang ibang tao dun, so sure na ako na sya yun. At muli ko siyang pinagmasdan mula ulo hanggan sa kanyang paa. At may naramdaman akong kakaiba and I hate kung ano man iyun at hindi ko alam kung bakit ganun ang naramdaman ko. Hindi na banyaga sa akin ang bagay na yun ngunit hindi dapat, may mali. But I gave in. It was like the time stood still and all my senses focused to him and I’m memorizing every detail of his whole being kahit nakatalikod ang lalaking ito. Hahaha! At  nakakalaway  este nakakatuwa syang pagmasdan habang naghuhugas. (Alam nyo naman ata un and for sure na –xp nyo na un. Ung bang hindi mo ma-ialis ang mata mo sa tinitingnan mo). Hindi ko pa tinawag ang pansin nya. Gusto ko munang magsawa na panoorin sya at i-enjoy ang nakikita at nararamdaman ko. Siguro mga 30 seconds pa ang lumipas bago nya napansin ang presenya ko. At eto na… paksyet, at halos lumuwang ang garter ng boxer short ko ng…

Ram: “Ponsy! Longtime no see! Ikaw na ba yan, Tol (magkapatid ba kami?)?”

                         (Sabay ngiti  ng pagkatamis-tamis nagbigay daan upang lumabas ang kanyang pantay –pantay at maputing ngipin. Nawala na ang braces nya. At ang lips… paksyet again! Ang dami na talagang pinagbago nya. Ang sarap halikan, mapulang mamasa-masa – isa sa mga weakness ko ang lips aside from eyes)
           “Kanina ka pa ba dyan?”

Me: “Hindi. Tamang-tama lang paglingon mo. Kapapasok ko pa lang dito sa kusina.” (Liars go to hell! Hahaha!) “Musta ka na tol” (pangatawanan na ang pagiging magkapatid)? “At oo, ako nga eto, walang iba. Ilang years na ba tayong hindi nagkikita? Musta ang life sa abroad? Balita ko may asawa ka na.”

Ram: “Whoa! Wala ka paring pagbabago. Ang dami mo laging tanong. More or less, ten years na, Tol. Okey naman but I have to come back here for some very personal reason.“Wait lang Tol huh! Tapusin ko lang ito.” (At habang sinasabi nya yun hindi nya inaalis ang pagkakatitig nya sa akin.)

                        Tumayo ako sa kaliwa nya mga isang isa’t kalahating metro ang pagitan namin at sumandal sa gilid ng lababo. Gusto ko sana syang pagmasdan ng nakatagilid pero sa akin na sya nakatingin at para ako naman ang sinusuri nya tulad ng pagsuri ko sa kanya kanina.
Me: “Bakit kelangan bang magbago? At hindi mo sinagot ang lahat ng tanong ko, kaya kahit ikaw walang pagbabago. The same Ram that I used to know. (Kunting pambabara, hindi kami close.) Tol, may dumi ba ang mukha ko? Baka kasi mabasag yang mga hinuhugasan mo hindi ka na kasi jan nakatingin kundi sa mukha ko”.(Hindi nya pa rin tinatangal ang tingin nya sa akin.)
                        At pagkatapos nyang maghugas agad-agad syang nagpunas ng kanyang kanyang kamay at halos nagmamadaling tinuyo ito. Dahan-dahan syang lumapit sa akin na ewan ko ba kung kinakabahan ako or natutuwa lang sa kanyang dahan-dahang paglapit sa akin. At pagkalapit na pagkalapit nya, ung sapat na ang pagitan upang magtama ang aming paningin at malanghap ang kanyang hininga. Ang bango ng hininga nya, amoy baby. Hahaha! (Napi-picture nyo ba yung sitwasyon?) Bigla nyang inabot ang kanyang kamay para kamayan ako, so inabot ko naman. Normal lang yun na magkamayan ang mga lalaki.(?) Hahaha! But instead na kamayan lang nya ako… bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit. Humaygad! Parang nanlambot ang tuhod ko at nawalan ako ng lakas para tumayo sa sarili kong mga paa at ang naging dahilan upang mapayakap at ituon ko sa katawan nya ang aking bigat. Naamoy ko ang kanyang natural na amoy na medyo may halo ng pabango, na lalong dumagdag sa aking panghihina. Yung amoy na gusto mo… gusto mong singhut-singhotin. (Nakakarelate naman siguro kayo.)  Ano ba ang meron etong hinayupak na eto at ganito na lang ang dating sa akin na dati naman eh wala lang. At asar pa ako dati sa kanya? O sige na, aminin ko na insecure ako sa kanya dati, iba na ngayon. Masaya na kayo? Hahaha!
Ram: “Na-miss kita, Tol!” (At lalo pa nyang hinigpitan ang yakap sa akin. At nadama ko ang kanyang katawan na hindi naman ganun katigas. Lean and mean lang. Ang sarap nyang kayakap. Peksman. At medyo may bonus pa… medyo kumikiskis si Jun-jun nya sa may tyan ko kasi nga nakaboxer sya and I think my brief din sya nakatayo kasi si Jun-jun at medyo may kalakihah ata. At medyo nakakaroon rin ng malisya sa akin. Hehehe. Kasi ako pag boxer, boxer lang talaga, walang brief. I hate brief. Juice ko! Ano ba, papatayin ba ako ng taong to… papatayin sa sarap?)

Me: “Tol, papatayin mo ba ako?” (Ipokrito ako, aminado ako. I want to linger more but something told me to stop.) J

Ram: “Ha?! Bakit naman tol?” (Bigla syang bumitiw ng yakap sa akin at tinitigan ako sa mata sabay kagat sa pang-ibabang labi nya. Juice ko, eto na naman to! Halikan ko kaya ang hinayupk na to!)

Me: “Wagas ka Tol kung makayakap. Hindi ako makahinga”! (Unti-unti ko syang itinulak palayo sa katawan ko, mahirap na baka ipagkanulo ako mismo nito.
Ram: “Cencia na. Na-miss lang talaga kita.” (Ang mukha na akala mo ay nakaka-awa. Tse! sa isip-isip ko.)

Me: “Miss ka dyan, eh hindi mo nga ako nakamusta for the past ten years sabi mo. May accountako sa Friendster ako, sa Facebook, sa Twitter at higit sa lahat may cell phone ako! Mahirap bang hanapin ang pangalang Alphonse G. Mendiola III?” (Nagtatampo ako? Sa anong kadahilanan?)

Ram: “Cencia na Tol, busy lang talaga! At saka alam ko naman na kahit mag-request ako sa’yo hindi mo ito i-aaccept. Tama?”

                        Sapul si ako! Tama talaga sya, kasi dahil sa insecurities ko eh lagi ko syang ini-ignore and worse, ina-avoid.

Me: “Bakit mo naman nasabi yan, Tol?” (Syempre, pa-inosente effect.)
Ram: “Tol, maglolokohan pa ba tayo? Ayaw mo sa akin ever since dahil feeling mo lagi kang dehado at lagi akong nakikipag-kumpitensya sa’yo.”

Me: “Ui! At san ka naman kumuha ng ganyang idea? Cge nga?!” (Medyo mataas na ang boses ko, guilty kasi. Hahaha!)

Ram: “Tol, pwede ba itigil na natin ito, matanda na tayo. To compete with you had never been played in my brain. So please Tol, can we be friends again just like before when we’re kids? Remember that?

                        Paksyet! Ano ba? Bakit may mga ganitong factor? Ang isa sa mga taong ayaw kong makasama and the last person that I ever want to be my friend… eto sa harap ko now at nakikipagkaibigan. At eto na naman ulit kami. Bigla niyang tinawid ang pagitan namin at sinalikop nya ang aking mukha. Tinaas nya hanggang magtama ang aming mga mata, juice ko, eto na ba?!(May pagnanasa na ata ako sa kanya?) Bumibilis ang tibok ng puso ko. Titig na titig sya sa akin at unti-unti nyang inilalapit ang kanyang mukha. Hindi na ako makahinga nang maayos. Nagsasabay-sabay ang mga halo-halong emosyon sa sarili ko. Kaba, libog, takot at antisipasyon. Unti-unting nilulukoban ako ng hindi ko matukoy na pakiramdam at halos hindi na ako makapaghintay sa kung ano mang gagawin nya. At nang halos mga dalawang pulgada na lamang ang pagitan ang aming mga labi at dahan-dahan ko nang ipinipikit ang aking mga mata dahil sa antisipasyong pumapatay sa akin ay bigla na lang…

Ram: “Please… Nuno sa Ponso!”



2 komento:

  1. kay lan po ung next update neto ang ganda e....

    TumugonBurahin
  2. salamat sa appreciation. matapos ko lang ang mga deadlines ko. updates agad for sure. salamat huh!

    TumugonBurahin